Feed on
Posts
comments

line to ponder

its been 2 years nang magsimula akong mag interview… di ko alam pero, natutuwa talaga ako sa pakikinig at pagtatanong sa mga iniinterview… marami kasi akong bagay na natututunan, maraming bagay akong naishshare at may mga bagay bagay akong narerealize.

Sa isa sa mga interviews ko ngayong sem, may tumatak sa isipan ko…

“never invest too much emotion… leave some for yourself”

oo nga naman, mahirap ibigay lahat lalo na kung unang beses mo pa lang susubukan. though sinasabi nang karamihan na give all the effort and time that you can give or give your heart to what you are doing; sometimes, hindi ata tama… siguro mayroong mga bagay na exception. Masama nga yata talagang ibigay mo ang lahat sa isang bagay na wala namang kasiguraduhan, sa huli kasi, ikaw din ang maiiwang lugmok sa kawalan. Oo nga’t di dapat mawalan ng tiwala at pag-asa.. maghintay sa tao o bagay na hihila sa iyo sa kawalan pero di naman din natin alam kung kailan darating ang mga iyon eh… o kung dadating pa nga ba ang mga iyon. baka naman dumating sila kung kailan tapos na ang lahat, kung kailang kinain ka na nang kawalan. siguro nga, di natin dapat ibigay ang lahat kaagad-agad, unti-unti lamang gaya ng unti-unti rin nating pagsulyap sa kasiguraduhan.

how should i start this blog anyway? haha supposedly, right now i am studying statics of rigid bodies but i am not in the mood yet so here i am writing a blog about the recent activities of my life. i guess i will just share me breaking down AGAIN! haha im in a good mood now but hey sometimes you should write it so that in case you forget the lessons that you have learned, there’s something to remind you.

It all started 2 days after the cancellation of my candidacy as eee rep. i know, to my friends it feels like i dont care but hey, i really planned being one of ESC. i was thinking that being on it, will help me grow as a leader while helping my co-EEE students have a good college experience thru our supposedly projects. i was so disappointed with myself being a delinquent student last semester, if only i passed 50% of my load… hayyyy anyways, last year, i was already thinking of running for esc but i delayed it and now, that dream… i don’t know… would stay as a dream forever??? anyways, maybe it’s just not for me…see? twice i thought about it but then it didn’t happened.

that alone will not make me feel so down… i have a subject that i should drop… if i have a choice, i will continue to fight for it.. but i guess, i already lost and should surrender… so instead of having another “singko” i think it’s about time to have a “drop” on my transcript.

there’s plenty of things on my mind back then, waaa of course, i have personal agenda too… and that made life suck!!! :)) tapos na yun! :P that time, i planned to do a bad thing but then, maybe it will just make me feel bad so i went to church. amf lang na pati church nagsasara…anong logic nun??? umaga yun dude! i ate ice cream then waited for the church to open its gates for me. i prayed and cried.. it feels good to release all the stresses that you have but then for me, it’s not enough.. i need to do something… buti na lang, i have friends… thanks for making me laugh at the sad moments of my life. thanks for being there sa time na lugmok na lugmok na ako… thanks kasi nandun kayo nung mga panahong, hinihila na ako ng kademonyohan ko… thanks for understanding me kahit na irrational na ako mag-isip that time or anytime pa man… basta thank you!!! hugggsss

PS: (haha parang letter lang)

after that day, i have a post problematic experience… haha

i was walking papunta sa sakayan with a friend, when out of the blue, i just cried.. we were not talking that time or anything… haha bigla na lang ako umiyak… i just felt being alone… i dont know but it sucks feeling that! hayyy buti na lang i have friends.. na kahit sa nag-eenjoy sa party ehhh nagtetext pa din, mapasaya lang ako… im so thankful, i have you guys… i love you…ti voglio bene! grazie…

ito ako nasa harap ng computer.. supposedly nagpapahinga dahil masama pakiramdam pero nakita ko yung copernicus page sa friendster.. i scrutinized it and found some comments.. nabasa ko yung comment ni maxinne ages ago pa.. copper sched.. haha bigla ko tuloy naalala yung mga kalokohan and happy memories nung final year ko sa MaSci..

first thing in the morning syempre flag ceremony na kung titignan mo nasa harap yung mga fourth years.. oo nasa harap kami kahit na mga seniors ang mga delinkwente magsipasok nang maaga.. iilan ilan lang kami sa pila… haha late comers

physics was our first class with ma’am mallari.. ewan ko ba parang ewan lang itong class na ito.. fave line from our teacher “bato ba kayo copper?” haha

Math.. oo ang subject na iilan ilan lang ang nakakagets ng bonggang bonga! subject kung saan bago kami pumasok ng room ay kailangan muna ng mga cleaners maglinis at pagkatapos ay may maglelead ng prayer na nagstart sa “directly beseech you …”

English with no other than ma’am Erencio.. she’s good.. pero sana talaga si ma’am correa.. anyways ito yung subject na hindi ko alam kung ano ginagawa.. basta alam ko basa, discuss, quiz, papers ayun

TLE and FRENCH.. yung girls cooking yung boys electronics.. alam ko kaming mga girls para kaming inviscible tribe na nasa likod na puro chismisan lang ang ginagawa dahil wala naman paks si ma’am.. sa boys di ko lang alam… sa French naman.. haha oo na nagfreFrench tayo.. comment tu t’appelle? comment ca va? ca va bien merci! haha… unforgetable talaga yung finals or quarter exam tapos lahat tayo puyat, nakatulog ako habang exam… tas ung maganda din ay yung nag-uusap si EARS saka si ma’am lucena ng straight french ang gamit..

Lunch break= vanity break.. lahat tayo naghihilamos ng bongga.. to the point na nagkakaroon na ng pila.. at yung mga teachers walang magawa kundi makisabay sa atin magtoothbrush

Pinoy.. oo may filipino pa tayo.. ito yung inaantay kong subject bilang puro group work. masaya itong time na ito and at the same time nakakaantok. masaya kasi i cant wait to watch our performances.. haha lahat na ginawa natin sayaw, acting, kanta, tugtog..pero nakakaantok na talaga pag si ma’am na nagsalita eh saka tanghaling tapat ito mga dude

MAPEH.. remember niu ba ito? oo nagclaclass naman tayo ng PE at CAT.. haha saka dito kaya yung mga malulupit nating performance.. from musical to our chorale version of “My Humps”.. nakakatuwa na yung Moulin rouge ay pinaperform pa nung foundation day at yung my humps ay pinalakpakan ng ating batchmates…

AD CHEM ewan ko ba kung bakit di kayo nasisiyahan dito.. alam ko korni talaga si ma’am and ang something.. haha pero magaling naman sya eh.. saka interesting talaga yung subject.. at oo sa mga homeworks may general answer.. bilang homework=class work.. haha at di ba talaga kayo natatawa kapag sinasabi niyang write your sources sa exam papers?

FINITE MATH haha..tawa na lang ako.. wala kong maintindihan

ECON.. oo si ma’am bangs.. haha at si ma’am ewan ko kung anu pangalan.. yung sabi niu hindi pantay yung boobs… ewan.. haha nakakaantok itong subject na ito super.. at ang nakkatawa may mga taong gumagapang sa likod, makatakas lang sa antok

may isa tayong subj na parang literature eh.. ung kay sir victorio tas pinalitan ni someone.. antok antok

COMP SCI.. haha ewan ko ba talaga kung bakit kapag nagpapalate tayo nandun tayo sa quad kung saan isang silip lang ni ma’am huli na tayo… at ewan ko din ba kung bakit favorite ko itong i-cut… haha

grabe.. ang haba.. haha next time thales naman…

I never thought na matutuloy pa itong bonding na plinano namin…kasi naman po thursday night na naghahagilap pa kami ng venue. we wanted sana sa bahay lang ng isa naming friends but heller situations don’t permit it. basta ang alam ko Thursday na ala pa ring place… pero nakakainis naman kung hindi ito matutuloy first of all, napag-usapan na namin ito after nung unang bonding tapos ito weekend lang na ito ang libre bilang exams na naman ulit next weekend. so aun, makapag-bonding lang talaga, pinatos na namin pati ang resort na mi isa sa amin ay hindi pa nakakapunta…aun napunta kami ng Valenzuela…men Valenzuela pa un! at ang masaya pa nito ang planadong bonding ay naging mukhang impromptu dahil nga last minute na lang kami nagtext about it, di namin akalain na matutuloy pa nga ito.

Let’s start our adventure sa pagsakay ng bus patungong valenzuela. grabe lang ang death march namin from SM North hanggang sakayan ng bus. anlau frend. tapos sobrang sikisikan pa ung bus, ayan standing ovation pa kami nung umpisa, buti na lang after a while nakaupo rin kami lahat. at ito, pahirapan pa kung anu sasabihin namin sa conductor. “sa may first 7-11 po after SM Valenzuela” hay ang haba  “kuya same po” haha… buti na lang nakarating kami dun sa first stop..

para palang amazing race tong ginagawa namin na ndi aman race… i mean, “find the next pit stop” un pala… akala namin sa kanto lang ung sakayan ng jip un pala sa loob pa, so naglakad pa kami ng bongang bonga. pagdating sa terminal, ampf d namin alam kung saan kami bababa… :)) mega describe na lang kami ng place, at grabe lang na parang nagcause pa kami ng chaos sa pila bilang andami naming tanong. basta nakarating kami sa aming patutunguhan…safe na safe.. :)
basta ang masasabi ko lang eh, adventure talaga ang pag punta namin doon.

grabe lang na parang ang ipinunta namin dun ay ang videoke… sarap mag-ubusan ng 5 peso coin. bilang ang mga kanta ay panama halos lahat…haha mga loka-loka kau… oh well the best pa rin ang mga kanta na sinasayawan natin.. don’t call me baby na naging call me ex vavy…haha ang masasabi ko lang, guys naubos ung boses ko, harot niu.

syempre bilang sayang ang 100php na entrance  fee kung ndi kami magswim ehh nagswim pa din kami kahit na freezing cold ang katubigan. tamang trip lang. nagmagic sa pool at ang matalo ay may dare. ampf lang na ndi ako nakaganti sa pagpapapole dance niu sa akin.. grrrrr… wahh enjoy aman ehh, ang ginaw lang talaga..haha at ang fotoshoot…haha uu na ang vain nyu.. friends, sinisipon ako ngaun, argh kasi naman noh ginaw na ginaw na ayaw pa umahon, ayan dagdag gastos para sa neozep :P

hehe…basta sa halos isang araw or kalahating araw na nakasama ko kau ay sobrang enjoy ko, sana ganun din kau…mwuah

sa pagising ko ng umaga…ayos naman ako…feeling ko naman nakabawi na ako ng tulog pagkatapos ko magpuyat ng ilang araw dahil sa mga madugong exam na binibigay sa EEE… <but wait there’s more!!! may onse pa ko bukas> ahh nung pagkagising ko pala ehh nagawa pa pala ako ng lab work, o di ba walang ligtas… ayun ok talaga ako at ito na nga nagbyahe na ako papuntang school… hindi ko naman inaasahan na sa isang oras na biyahe ko ay biglang dadating si stress… ewan ko ba bigla bigla na lang dumadating walang pasabi… parang bigla na lang na gusto kong umiyak, gusto kong malunod sa alak kahit di aman ako umiinom talaga…wahhh basta ganun ung feeling…at kung bakit??? hindi ko alam…basta ang alam ko this past few days stressed ako bilang andaming exam at may prob set din…at xempre di rin naman maiiwasan ang mga isyung personal…pero sa pagkatao ko alam kong ndi naman ako naaapektuhan ng mga yun ehh..kung oo man, sus katiting lang… hindi ko inakala na sa 30 minutes kong nasa tren papuntang skul ay bigla-bigla na lang magsisink in ang mga stress sa buhay ko…ndi ko inaakala na meron pala akong ganung mga anxieties…akala ko ok lang na lagi akong busy and puyat…siguro nga hindi ko na lang talaga kinaya… ewan basta alam ko  i’m ok na… alam ko naiiyak ko na un habang nasa church ako at nakikinig ng misa… baka nga yun ung way ni God para pumunta naman ako sa church at kausapin sya… baka nga masyado ko na Syang nakakalimutan sa sobrang busy ko… baka nga Sya na yung kulang… wahhh basta thankful ako na nailabas ko na lahat ng stress na nararamdaman ko…sana lang sa susunod na puno na pala ako ng stress eh wag naman magfloflow sa mga di inaasahang lugar…nakakahiya kaya umiyak sa loob ng church…buti na lang pala kasama ko si sisterette mirae ko…thanx

haha..minsan talaga mahal na mahal ka talaga ng CS canteen ehh…mga kanta mo lagi ung pinatutugtog ehh…haha nung saturday combo pa.. ala atang araw na ndi nila napatugtog ang kanta namin ni thessa..haha

at thessa, sa susunod na mang-asar cguradong ndi babalik agad ang karma ha???hehe ayan pagkatapos tuloy nun eh nacombo tau… buti na lang pala di na naLSS no??? haha

oh well papel…por pabor CS cantina…ibahin na ang sountrack niu ha??? hehe

manahimik ka na

Kung meron bang mga bagay-bagay na gumagambala sa iyong isipan, nu gagawin mo??? mag-iimbestiga ka muna o magdedesisyon ka na agad?

Hindi ko alam kung bakit may mga taong maxadong "judgemental"…kapag sinabi ba sa iyo na mali na, mali na agad? hindi mo muna ba aalamin kung mali nga talaga? baka naman nagpadala ka na agad sa iyong damdamin at nagalit ka na agad??? heto ka ngayon nangagalaiti…siguro nga alam mo ang iyong ginagawa, alam mo ang sinasabi mo…pero nalalaman mo ba na ang mga sinasabi ay posibleng may kulang? posibleng meron kang na-miss-out na facts??? posible din kaya na sa mga inaaakala mong tama ay lalong nagkakaroon ng mali??? baka naman pwedeng itikom mo na lang ang makati mong dila at huwag na lamang magsalita nang ang gulong nasimulan na ay matapos na…hindi man matapos ng maayos ay mairaos man lamang ng walang kaguluhan…

whatttaaaaaa day

I never thought na magiging ganito ang araw na ito…o well, basta ang alam ko nagpadala lang ang mga tao sa kani-kanilang mga emosyon. personally, nadala lang talaga ako ng inis kaya naiyak ako…pero with that, at least nalaman or naweigh namin kung ano yung mga mali. siguro nga dapat hindi tayo basta-basta na lamang nag papadala sa lukso ng ating mga damdamin, kaya nga daw nasa itaas ang utak ehh… we should be analysing the situation first. tignan mo ngayon, narerealize ko na, oo nga may point sya dun at saka ganun din naman pala yung nangyario sa kanya. kung lahat ng tao padalos-dalos, e di naging chaotic na itong mundo. thanks na lang sa mga kaibigan na nandyan para ipaliwanag sa iyo ang sitwasyon sa panahong inuuna mo ang damdamin mo kesa mag-isip ka ng tama. salamat din sa kanila sa pag control ng emosyon mo na ikaw mismo ay di mo kayang controlin.

Buti na lang andyan sila, kung hindi kaya mo kayang masurvive ang sutwasyon na iyon na walang gulo???

well I really tried sa multiply ngunit wala… This is my first time to write a blog..bakit ko naisipan?? baka kasi maamnesiya ako at wala na akong maalala at least i have blog entries…bakit ko naman naisip na magkakaamnesiya ako??? kasi po lagi ako nauuntog..buti na lang walang bukol…haha

so aun nga nagbonding kami nila Ciara at Nikko kanina sa SM North…isa lang kc class ko kanina and ayoko pa umuwi… matagal2 na din since gumala and nagkasama kami. ganun pala pag tumatanda sa UP, nagkakaroon na kayo ng sari-sariling mundo.

we planned to watch but time doesn’t permit it…babalik kasi sila ng before 4pm they have classes pa kasi.. BI ba??? hehe aun so instead of watching a movie, we just ate sa Super Bowl…grabe d man lang namin naubos eh 2 courses lang un..haha we’re not matakaw!!!

after we ate eh gumala-gala kami…we entered a boutique, wahhh i forgot the name <nagstart na ata xa haha> aun… tas tahimik dun and bigla na lng pinatugtog ung "always be my baby" ni david cook.. e before kami pumasok dun i was telling them na i hate that song but i didnt tell them why..so un ang lola mo, dali-daling lumabas ng  shop. hehe that’s it…basta un na un..hehe then we decided to go na…

paglabas namin ng SM, damn it’s raining!!! buti na lang magtataxi kami, pero xempre d ka pa rin makakaligtas sa ulan…hahaha so aun pinauna ko sila…last ako sumakay…antanga ko lang naumpog ako..:)) OUCH talaga…super so nagrarant ako… d pala alam ni manong na naumpog ako so aun, sabi nya "iniisip kasi BF eh"…sabi ko naman "anu ba kuya tapos na.." hahaha tapos aun andami ng sinabi ni manong driver…nag-advice pa xa…nakakatuwa…hehe

hayaan mo manong, pag ako nagkaamnesia man, d kita makaklimutan xe mababasa kita dito sa blog ko… *peace